Monday, February 9, 2009

"LIHAM"

Mahal kong PILI,

Gaano man karangal ang trabaho KO DITO sa ibang bansa?...MATALINO man o BOBO na tulad ko......pantay-pantay ang tingin NILA sa atin....Tayong MGA PINOY na kung ituring nila na KATULONG....Simula man nuong una,,,,,magpahanggang ngayon.......

Masakit man.....wala tayong magagawa.....Di natin kaya pang ibalik ang mga nakalipas na mga panahon.....Isang malaking suntok sa buwan.....ang magsilbi sa ibang bansa....ALAM KO NA ALAM MO YAN.....Na mismo sariling pamilya NATIN ay di ko kayang pagsilbihan...............

OO....alam mo na marami akong dahilan kung bakit ninais ko na mangyari ito.....Ang sa akin lang.....MAMULAT TAYO na may magandang bukas PERO nagkamali ako ,,,,,,na di pala lahat ng bagay ay kayang palitan ng salapi...........................

Humihingi ako ng PASENSYA,,,,,sa mga panahon....na kailangan ako ninyo.....Ang mga panahon...kung saan dapat nariyan ako,,,,alam ko marami kayong tanong na dapat kong sagutin......

Pero nais kong malaman din ninyo....na nangangailangan din ako ng mahigpit na yakap ninyo......
Na tila nga bang takot ako maiwalay...o sadyang may takot...na gusto akong takasan....

Haplos ninyo ang inaasam ko sa tuwing may problema at ,,,,,,,,walang masandalan......dito sa mala-impyernong lugar na ito na palaging may takot,,,,,,,na tagos hanggang buto!Marami akong katanungan mula pa nang nandyan ako....

Kaya bang bayaran ng salapi ang mga luha sa tuwing.....namimiss ko kayo?
Kaya bang pantayan ng salapi ang kaligayahan,,,sa tuwing kausap at kayakap ko kayo?
Kaya bang suklian ng salapi ang gabi na katabi ko kayo sa pagtulog........
Mga katanungang kay hirap.....punan ng sagot....sa tuwing uuwi ako galing ABROAD!

Sapat na bang sabihing.....ko sa inyo.....ANAK...PASENSYA NA....PARA RIN ITO SA KABUTIHAN N'YO.....MAGPAPAKAHIRAP AKO,,,,,DAHIL RESPONSIBILIDAD KO ITO....KUNG KINAKAILANGANG DI AKO KAKAIN PARA MAY MAKAIN KAYO...GAGAWIN KO...KUNG KAYA KONG PATAYIN ANG SARILI SA TRABAHO PARA MAY MAUWING PERA.....PIPILITIN KO.....TULAD DIN N'YO AKO NAGHIHIRAP,,,,,NANABIK, NAIS MAKATABI AT MAYAKAP....
UMAASA NA SA PAG-UWI ,,,,,,MAINTINDIHAN NINYO..........

Alam ko na alam mo kung gaano ko kayo kamahal..........tagos hanggang laman.......Gagawin ko lahat...maihaon ko lang kayo sa kahirapan...................................

Ang mga layunin,,,,,nato ay nalaman ba ninyo?Ang mga hinaing ,,,,nato ay narinig ba ninyo......?Isang sakit na di ko na kaya pang tiisin at maghintay sa lunas kung meron man.......Ang masaklap pa nito,,,, unti-unti akong pinapatay nito,,,,,Hindi man sa pisikal na pagkatao......pero tagos hanggang kaluluwa,,,,,,,,,ang naranasan ko dito....Ang walang awang pang-aalipin at di matarok na kasakiman ng mga baboy at buaya ng mga taong pinagsisilbihan ko.

Matagal na akong gising mga mahal kong anak......Ilang dekada na bang gyerang napaglabanan ko.......
Ilang pamilya naba ang nasira sa bulok na pamamalakad na ito.....Ilang buhay naba ang naligaw na landas,,,,sa baluktot at masalimuot na konstitusyong ito.....Ilang tao naba ang namatay o di kaya nasiraan sa pag-iisip,,,malabanan at matakasan ang pangil ni buaya....

Hindi pa ba sapat ito para magising tayo sa katotohanang wala tayong mapapala sa ating gobyerno sa halip...
sila mismo ang tutulungan sa atin sa pagkalunod,,,,,,,,sa malalim at matarik na bangin,,,,,,,,,
sa maputik at mabahong lipunan,,,,,,,

Alam ko magtatanong ka bigla......Saan tayo lulugar.......?Saan tayo pupunta,,,,?Saan tayo sasandal....?
Saan tayo hihingi ng tulong? SAAN NGA BA NATIN PUPULUTIN ANG MGA SAGOT NA ITO?

Yan,,,,ang tunay na sagot,,,,,MAHAL KONG PILI,,,,ALAMIN MO,,,,,,bago ako mapugutan ng ulo o di kaya masiraan ng ulo dito.....
WALA AKONG BOSES DITO,,,,,,,,
DI TAO ANG TINGIN NILA SA AKIN DITO,,,,,
HAYOP KUNG PAKAININ NILA AKO DITO,,,,,
ROBOT KUNG ITURING NILA AKO,,,,,,
MANGMANG ANG PAGKAKAALAM NILA DITO SA LAHING TULAD KO.....
PARANG PUTIK KUNG TAPAKAN NILA ANG PAGKATAO KO.....

Ipaalam mo kung anong sakit ang pinagdaanan ko dito. Ulit PASENSYA NA....DI KO NINAIS BIGYAN KAYO NG PROBLEMA,,,PERO MINALAS AKO......MUNTING TULONG AT PANG-UNAWA ANG HILING KO NAGAYON...

Nagmamahal,
PINAS







1 comment:

  1. dili taas imng mga gepangpost jp eh...dli cxa kpoy basahon..,hehehehe

    ReplyDelete