Monday, February 9, 2009

"GUTOM"

GUTOM KA RIN BA TULAD KO?
BALIW KA RIN BA NA TULAD KO?

Marami na akong narinig,,,,kahit pa nga segoro sa kanunu-nuan mo,,,napamana na ito.....
Sa akin kasi,,,,nandito pa.......matagal ko pa segorong raranasin to.......

Ang kaisa-isa at munti kong pangarap sa buhay ay makatapos lang....kahit papaano masasabi ko sa sarili ko...may mararating ako....sino ba ang mag-aakalang makapagkoleheyo ako....kahit nga ako di makapaniwala...

Magulang ko walang natapos,,,,,mga kapatid ko hinanap ang sariling swerte....sino sa akala mo ang mag-aatubiling bigyan ako ng pansin? Yan ang akala mo dahil sa diskarte ko narating ko kung saan man ako ngayon...di ko pa naman masasabing matagumpay ako ngayon pero unti-unti kong isaayos ang buhay na sana magulang ko ang gagawa...

Hindi ko pinagsiksikan at pinamukha sa kanila ang kanikanilang responsibilidad bilang magulang....sa halip tumayo ako at lumaban sa kahirapan na dulot ng walang matatag na pagtutulungan at pagsasamahan.....

Mahirap at masakit na unti-unting bumabagsak ang pader na sa akala mong masasandalan sa oras ng kagipitan....pero nagkamali ulit ako....tanggap ko ito,,,ika nga nila....kailangan marami kang eksperyensya sa buhay para maging matatag at matapang. At yan ang natutunan ko ngayon....

Tanggap ko na ang kapalaran inilaan sa akin,,,ang importante papaano ko ito lalaruin....
Ang buhay kasi ay puno ng laro....kailangan alam mo ang mga tuntunin para manalo....

Yan ang akala ko nung una,,,,pero binago ng mga taong taghirap, tagtuyot at kumakalam ang sikmura ko,,,,,
Nalaman ko na kailangan may diskarte ka sa buhay....at sapat na plano sa tuwing sasabak ka sa tunay na gyera ng iyong buhay,,,,

Minsan...tatalunin ka ng iyong takot,,,,babalutin ka ng iyong karuwagan....
Pero wag kang mag-alala,,,yan ang tunay na laban,,,,SARILI MO ANG KAISA-ISA MONG KALABAN....

Kung matapang ka na tulad ko,,PATAYIN MO SARILI MO,,,,.....naniwala ka naman?.......
Sa tunay na buhay marami talaga ang kalaban,,,,,pati pamilya mo kakalabanin ka at tatalikuran ka tulad ko....

Namuhay ako na layo sa piling ng aking mga magulang,,,,kung magtatanong ka kung sino ang unang tumalikod,,,,,,ako ba o ang pamilya ko mismo?....Di ka naman segoro nagmamadali.....yan ang di ko pa kayang sagutin....bangungot kung ituring ko ang mga ito.....kaso nagising ako,,,,nagising sa katotohanang....sa huli sarili mo rin ang aasahan at sasandalan mo......

Di ako nagmura, wala akong hinanakit sa kanila,,,sa halip pinili kong baybayin ang buhay na sa akala kong tama....pero ang hindi ko kayang tiisin ang makita silang wala man lang pakialam.........

Tao rin ako sa isip at kaluluwa wag mo lang tingnan ang mukha ko,,,,,tulad sa isang ibong malayo ang lipad pag nahulog talagang lalagpak ,,,hindi mo kayang sukatin ang sakit na naidulot......

Masasabi ko,,,na warak ang pamilya ko.....pero hindi ako nagsisisi kong bakit ako napa bilang sa pamilyang ito...
At wala akong sinisisi.......sa halip humihingi ako ng pasensya sa mga naagrabyado sa baluktot na prinsipyo.

Humihingi ako ng patawad sa mga taong nasaktan,,,nagtaas ng kilay,,,at may hihinakit sa akin,,,,ganito lan ako kung lumaban,,,,,di ko kayo pipilitin na pumasok sa mundo ko....at wala akong balak papasok sa mundo ninyo....

Ang hiling ko lang,,,,intindihin ang pagkatao ko....ganito ako sa nagsimula at ganito ako magtatapos.,,,,,,Di pa naman tapos ang hirap na kinakaharap ko ngayon masasabi ko,,,masaya ako kung ano ang buhay ang meron ako ngayon,,,minsan lang ito mangyari....at least kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay muli,,,,sana naman hindi na ito....alam ko di mo ito kakayanin....

Kung tatanungin mo ulit ako kung bakit ayaw ko na sa buhay na tulad nito,,,,,
di kayang sabihin ng mga letrang ito ang kahirapan na narasanan ko,,,,
di kayang sukatin ng iyong imahenasyon ang lawak ng pagtitiis ko,,,
di mo kayang marandaman ang sakit na nag-ugat sa pagkataong ito,,,,
di kaya ng iyong mata na tingnan ang lungkot na nababalot sa aking puso,,,,,
di mo segoro kayanin marinig ang hikbi sa tuwing ako ay nasa dilim
at lalong
di mo kayang makita ang mga luhang dumadaloy
na tila nga bang paslit na naghahanap at umiiyak.

Ngayon mo sabihin sa akin,,,,na gusto mo ba ang buhay na ito,,,,
Ngayon mo ipamukha sa akin na gusto mong balutin ka ng iyong lungkot...
Ngayong mo ipagsiksikan sa akin ang buhay na ito.

Tanong ko sa iyo....
Tama bang maranasan ng tulad ko o kung sino man sa mundo ang ganito?
Sapat na ba itong dahilan para makulung sa rehas na karukhaan?
Kailangan bang danasin ito para magsumikap ka?

Di pa naman tapos ang laban ko pero masasabi ko na panalo na ako,,,,
Di tulad mo nakasandal parin sa likod ng magulang mo...
Oo aaminin ko ,,,,maswerte ka ...
pero nais kong pag-isipan mo,,,,,lahat ng bagay sa ay mundo ay matitibag..
Hiling ko lang sayo...di man kasing tapang at tatag ko...
Mamuhay kang malayo sa anino ng mga magulang MO.

1 comment: